Saturday, May 31, 2008

So much for a Saturday night.

This particular Saturday would have been as boring as the previous ones if it weren't for the rehearsals we had earlier for the upcoming concert slash production by the Philippine AllStars. Entitled "Coreographer'z Birth", the show will be showcasing some of the most promising choreographers here in the PI to date, including our very own Athea Baraquio. See poster below.


Anyways, tiresome as the word "rehearsal" sounds, the practice we had earlier was highly elated and filled with snickers and grunts. All were excited to finish up the routine and I can say we're all ready to hit the stage this coming Saturday.


Athea Baraquio y'all!!! (L) Athea with Edith, conceptualizin'(R)


Brown Ranger and Black Ranger (Ate Rej and me)



Kuya Louie (T) Deo,Ate Maris, and Mariel (B)



Yes I know. Caps aren't for me. Haha. I look weird.

As of writing/typing this, news came that we need to attend the TechRun (Technical Run/Rehearsal) in Ateneo, this coming Tuesday. I'm not sure though if we'll be able to go, first, because we haven't really performed the routine with all of the eleven dancers present, and second, money's always been an issue with things like this (transportation,food,etc.). I'm hoping though that we'd make it on Tuesday, even if that means missing out on another date with my Mom (We're supposed to take a stroll in Serendra and maybe in TriNoMa. Sigh).

It's official, my Saturday night is uneventful as compared to my Saturday daytime. Think it's better to stay in and spend time at home? Nah, especially when some of my cousins and some friends are all going to Jaipur later. They'd be dancing and drinking and partying and I'll be, uhm, straining my eyes with my computer and tv. How 'bout that eh? So much for a Satruday night.



Wednesday, May 28, 2008

Good Night and Good Morning :)

After four hours of incessant internet profile editing and nonsensical blogging, and after thirty minutes of staring point blank at my monitor, I'm finally ready to call it a day and catch up on some sleep.

Tuesday, May 27, 2008

Sayang.

I took a stick but didn't even manage to finish it. I could, and I would, but I chose not to. The mere fact that I lit it and took a puff meant I was still vulnerable. Vulnerable enough that I needed not much prodding to disregard the several weeks of nicotine free state that I've decided to be in. Yes, the feeling of guilt creeped through me the moment I placed it between my lips and clicked on the lighter. I could have stopped then and there, but no, I chose to push through the lighting and took a first, second, third, and fourth puff. As I exhaled the last draft I took, I was enveloped in a state of what I thought of was haze, but I now know that it was my guilt and probably my conscience that stirred me up and made me decide to stop.

"It's been eighteen days since I had my last puff; 6 weeks since my last full stick."

Words I should have written here, if I didn't took one stick earlier.

It's been five hours since my last puff; 6 weeks since my last full stick.

I lost my streak. I was tempted. I gave in. I am vulnerable. I am weak. I will try and fight it off.

Again.

Give me Head!

Alright, I've probably changed this site's layout maybe twice or thrice already, but I've managed to take some time and make this as personal as it could possibly get. And by that I mean pictures of me in my OWN header. Haha. Hay, things people do when they're not preoccupied with anything. Enjoy the new page, dear readers.

Err, sorry for the title. It sounds, uhm, pornographic no? Haha.

Saturday, May 24, 2008

Brooke-ing

I'm in the process of uploading David Archuleta's studio recordings into my Multiply account and while I wait for the upload to finish, I'm googling over Brooke White. Haha! I think she's the best looking girl that ever graced the Idol stage. It's a plus that she looks a bit like Taylor Swift and even Hilarie Burton. Grrr. She's just adorable. Haha.



I got these pictures from where else, but Google. Check my Multiply site for tracks by Brooke White and David Archuleta. You have to add me first, of course. Haha.

Friday, May 23, 2008

Pssst...Tingnan mo! (Pilot Episode)

I skipped rehearsals today because I had a scheduled date with my mom and my cousin. Mom decided it's about time I buy a new pair of shoes as to replace Converse Pro All Star High Cut rubber shoes, which I have been peddling with ever since the day we bought it. When I bought that pair, I remember myself promising to myself, and my mom, that I wouldn't use it for walkathons in school, and would only use it only when we have performances. But no, I got so hiphop-ish that I wore them everytime (not everyday though, but I'm sure you get what I'm saying). So came today that I was blessed with enough money (fine, it was my mom's money) to get new shoes. I was really looking forward to buy a pair of Nike Dunks High Cut rubber shoes but too bad, we searched all Nike carrying stores in Alabang but we didn't find any. I looked for Converse instead but found nothing that pleased my taste. Lo and behold, I found myself in Fusion, Festival Supermall in Filinvest Alabang. The store carries Pony footwear and amazingly, I found something that tickled my fancy. And yes, I bought the pair which I liked, and I'm happy with what I bought. So here you go, my dear friends, my new pair of Pony's!


If I weren't a member of the UPLB Street Jazz Dance Co., I sure wouldn't be buying an orange and brown shoe. Haha. The Clan has opened my eyes with stuff like this. The more attention the shoe gets, the better. Haha. I used to have plain white rubber shoes back then, not now though. Anyways, I also got a new and bigger planner/organizer. For what, you ask? If you check my current organizer, you'd pity it. The thing couldn't hold all the things and information I want it to hold in its tiny pages. I found a very nice looking, well structured, and big enough planner for me to replace the one I have right now. My problem now is that I'm too lazy to transfer all the things, dates, contacts, etc. that I've written on the old one. Oh well, wish me luck. And here's the planner.


The planner's actually a kind of fund-raising activity by ABS-CBN Bantay Kalikasan. I believe proceeds would go to their funding for environmental reasearch and preservation. You get to organize and plan your life na, you'd help pa in preserving our surroundings! Go get your own in National Bookstore outlets all over the Philippines!

Pssst...Tingnan mo! (Primer)

I've been blogging and maintaining several online accounts for quite some time now but I've never really ventured into the whole "photo-blogging" pandemonium. Hmm, well I obviously do not have ample time to update such kind of blog, and for the love of God, I certainly cannot make and maintain another internet account. So, I've decided to put it here instead. Don't expect a regular photo-blog entry though, I'm not THAT of a blogger and as I've said, I don't have enough time.

Pssst...Tingnan mo! will be an additional segment here in my blog.

Tuesday, May 13, 2008

panahon na

(12 May 2008)

Nakadungaw ako sa bintana na naghihiwalay sa akin mula sa kalsadang pinuputakte ng malalaking patak ng ulan at mga dahong nangagsisislaglag mula sa puno ng mangga. Tanging ang ilaw na nangagaling sa poste ang nagbibigay ng liwanag sa daanan. Lahat malabo, dala na rin ng paglagaslas ng mga tila luhang tubig na iniiyak ng kalangitan sa isang gabing binalot ng kariliman. Habang nakamasid ang aking malalabong mata sa kabilang kalsada’y muling umalingawngaw sa aking gunita ang mga katagang nabitiwan ko kanina habang kinakaladkad naming an gang aming mga paa pauwi.


“Kung hindi pa ako magbabago ngayon, kailan pa...”


Hindi ko mapigilang hindi matawa at mapangiti sa mga katagang sa aking bibig mismo nagmula. Oo, marahil pabiro ko itong nasabi ngunit may kung anong kumurot sa puso ko nang mabitiwan ko ang mga salitang iyon. Alam ko kasing tama. Marahil isa ‘to sa mga lumabas sa bibig ko na hindi ko ikinakahiya o ikakahiya dahil sa loob loob ko, alam kong tama ang sinabi ko. Marami na kong panahon na ginugol sa pagpa-plano ng mga pagbabagong nais kong makamit sa buhay ko, lahat ng yon ay alam kong nasayang dahil hindi ko pinapanindigan ang mga sinasabi ko. Siguro’y mas maiiging imbis na plantsahin ang plano ay simulan na itong gawin.

Thursday, May 8, 2008

South Hill School Inc. Music Guild (trip down memory lane)

I was YouTube-ing, as usual, and chanced upon a guy playing Himig Heswita's Pagsibol on the piano. See, Pagsibol's only one of the few songs that can be considered as "national anthem" by the South Hill School Inc.'s Music Guild. Haha. Ma'am Joy Lector, our coach, pressured us to learn the song in an hour because she wanted to perform it in the Mass that would take place within two hours' time. Since then eh lagi nang kasama ang Pagsibol sa aming repertoire, along with a few other songs na muntikan nang magasgas sa amin. Haha. Trip down memory lane, anyone? Game!

Pagsibol (Himig Heswita)
Super favorite ko pa rin to hanggang ngayon. Salamat kay Ma'am Joy, dahil siya ang nagintroduce sa akin formally sa mga piyesa ng Himig Heswita na lagi niyang pinapakanta satin.

Anima Christi (Bukas Palad)
Come on. Grade three pa lang ako eh sinapuso ko na 'to. Ibang lebel si Ma'am Joy kasi pinaaral pa sakin yung actions dito. Bwahaha. Ryla, kasama kita dun, diba?

Ang Panginoon ang Aking Pastol (Dindin Llarena)
I remember one time na nagsolo dito si Macris. Tapos buong araw at eh ito yung kinakanta namin, hanggang sa CAT Office. Haha.

I Will Sing Forever (Bukas Palad)
Siyempre, hindi rin 'to pwedeng makalimutan. Laging huling kanta natin to eh. Chipoy, ung mga adlib mo sa unahan! Pinakamasayang performance natin nito eh noong Mass after nung Recollection natin sa St. Therese of the Child Jesus Parish. Paano naman, tapos na kasi mag-iyakan.

Sinubukan ko talagang makuha 'yung mga versions na pinakinig at ginamit natin noong high school, at taddaaaa! Andito silang lahat. Enjoyin niyo!


Sipsip : Soft Drink Diaries

(I wrote,err,typed this kaninang madaling araw. I couldn't sleep kaya nagawa ko 'to.)

Sa mga nagtatangkang magbasa, kung naghahanap kayo ng isang substantial at worthwhile read ay baka hindi ito pumasa sa standards niyo. Pagpasensiyahan niyo na dahil ayon sa orasan sa bottom right ng screen ng laptop ko ay 12:48 na ng madaling araw, at medyo sabaw na ang utak ko. Wala na lang talaga akong mapag trip-an kaya minabuti kong magdudutdot na lang sa laptop ko.

Sabi ko na nga ba’t hindi dapat ako nainom ng soft drinks kapag gabi na. For as long as I can remember eh kapag gusto kong magpuyat, soft drinks ang tinitira ko imbis na kape. Ewan ko ba, sadyang kabaligtaran ang epekto sa’kin ng kape. Mas lalo akong dinadapuan ng antok at mas narerelax sa kape, tapos mas nagigising ako sa soft drinks. Alam na siguro yan ng mga nakasama ko sa bahay. Lalo na pag may exam, mistulang inuman session ng RC Cola ang eksena sa pasimano ng apartment namin last sem, sa dami ng bote ng RC na tinitira namin. May makakapagpaliwanag ba sa akin nito? Dahil nasimulan ko na ang entry na ‘to na pumapatungkol sa soft drinks, eh I might as well devote this entry to the ever popular yet laging pinagbabawal (lalo na sa mga bata) na inumin.

Nabasa ko sa librong “You are a Filipino, If you…” (Actually hindi ata yan yung title noong libro, pero parang ganun. Alam kong alam niyo naman yung libro na tinutukoy ko. Basta, yun na ‘yon.) na tayong mga Pinoy lamang ang umiinom ng soft drinks sa paraang nilalagay pa sa plastic. Marahil na device ‘tong way na ‘to nang paginom ng soft drinks dahil wala pa namang soft drinks na available sa lata o kaya sa plastic bottles, o kaya sa tetra pack noong mga panahong na uso ang soft drinks(Err, even today, wala pa naman akong na encounter na soft drinks na nasa tetra pack.). Would you guys consider me weird when I say na trip na trip kong uminom ng soft drinks na nasa plastic? Haha. As a kid, I remember asking my mom for plastic and a straw whenever we have soft drinks sa bahay. As in, kahit sa hapag (that’s kainan for all you English speaking friends of mine) eh nagpaplastic ako at hindi gumagamit ng baso. O ha, Pinoy na Pinoy! Kaya siguro hanggang ngayon eh trip ko pa rin yun. Dahil na rin sa akin eh pati yung relatives naming na lumaki sa USA (mga anak ni Tita Myra) at yung mga nasa Singapore (family ni Ate Wiwa) eh nahawa sa fetish ko. Nagustuhan nila yung concept, to the point na yung mga anak ni Tita Myra eh nagpabili ng plastic na pang soft drinks bago sila bumalik sa Land of Milk and Honey. Anak ng boogie. Pwede na akong maging presidente ng SUSDSP o Samahan ng mga Umiinom ng Soft Drinks Sa Plastic. Ay, corny.

Naalala ko pa noong nabubuhay pa ang lolo ko at sa Bayan pa kami nakatira. Tuwing gabi ay nabili siya nang maliit na bote ng Sarsi (Yung 8 AWNS kung tawagin ng mga nakakatanda) at isinasalin ito sa isang baso saka lalagyan ng sariwang itlog ng manok. Oo, yung hilaw na itlog. Hahaluin niya itong mabuti saka tutunggain. Nakakadiri ba? Sabi kasi niya ay nakakapagpatibay daw iyon ng tuhod at nakakapagpalakas ng resistensiya. Hanggang nayon ay hindi ko ma-gets kung bakit niya ginagawa iyon. I know egg’s a good source of protein, pero bakit kailangan ihalo sa soft drinks, and yes, sabi ni lolo eh sa Sarsi lang pwede iyong ganung “concoction” (Hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin nung word na concoction dati. Anak ng boogie, 4 years old pa lang naman ako noon eh.). Anyways, I tried it once and sabi ko sa lolo ko, “okay naman siya”, sabay suka nung ininom ko. Natural, hindi ko na inulit tikman. Hindi ko na nga maalala ang lasa eh. Malay niyo, matripan ko bigla na i-try ulit, ibo-blog ko dito kung anong nangyari, at vi-video ko pa kung mag to throw up ako. Anak ng boogie, amph.

Ang huli kong alaala na related sa soft drinks ay marahil lahat ng 90’s babies ay makakarelate. Clue, soft drinks na nasa bote at Mentos. Haha! Aminin, kahit na ipinagbabawal ng mga teachers natin noong elementary na masama ang magiging reaction ng soft drinks combined with Mentos eh tuwing recess o lunch break eh ginagawa natin ‘to. Bibili ng soft drinks na nasa bote, preferably Coke o Pepsi (Hindi pa naman masyadong sikat ang Pop Cola at RC Cola noon eh), at huhulugan ng isa o dalawang piraso ng Mentos. Aantayin ang pagbula ng soft drinks at magpapalakpakan pa dahil mga nagfe-feeling na mga scientist na naka-imbento nang kung anong miracle solution. Benta talaga eh. Looking back, ginagawa ata namin ‘to hanggang mga second year high school. Ang cool kaya. Magawa nga ‘to mamaya.

O ayan, yan lang naman ang gusto kong sabihin tungkol sa soft drinks. Napa inom kasi ako ng 12 AWNS (Ayon yan kay Mang Pogs) na Coca-Cola kanina bago ko umuwi galing sa pagdidikit ng mga teasers. Haha. Pasensiya na sa nasulat ko, nagpa antok lang naman ako. Haha.

Ala una y media na. Tapos na ang Games Up Late Live. Tulugan na.
Anak ng boogie.

Tuesday, May 6, 2008

Isko.Iska

May apat uri ng tao slash estudyante ngayon ang palakad-lakad sa kaharian ng siomai at butterfly na tinapay. Napagtanto ko ito kaninang naglalakad ako palabas ng campus dahil nanggaling ako sa CAS building, na mas kilala bilang Hum para sa mga medyo nakakatanda na na mga mag-aaral dito sa Unibersidad.

Ang una ay ang mga estudyanteng nag-enroll para sa summer classes. Noong high school, ang alam ko lang na nag sa summer classes ay 'yung mga hindi pinalad na maigapang ang mga subjects nila. Noong pumasok ako dito sa Unibersidad ay saka ko lang nalaman na hindi pala palaging ganoon ang kaso ng mga nag sa summer. Pwedeng mag summer para maulit ang binagsak na subject, pwede rin para makakuha ng advanced units, at pwede ring dahil gusto mo lang manatili sa dorm/apartment/boarding house kesa naman maiwan ka sa bahay niyo kasama ang mga makukulit na bata at mahirap na intindihing mga matatanda. Kung ano man ang rason eh wala na akong pakialam doon. Hindi ko na dapat pang panghimasukan ang mga bagay-bagay na ganiyan. Sa dalawang nakalipas na summer ay nakapag enroll na ako. Noong una ay inulit ko ang Chem17 at noong huli naman ay nakipaghsapalaran ako sa LTS2. Sa kasalukuyan ay hindi ako kumuha ng kahit anong subject kaya hindi ako pwedeng mapabilang sa unang grupo ng tao na binanggit ko.

Ang ikalawang grupo ng mga tao slash estudyante ay ang mga nakapagtapos na ng pag-aaral, at kasalukuyan ay nakikipagkulitan o di kaya'y nakikipag talo sa mga kani-kanilang college secretaries dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang clearance nila at ang certification of graduation. Wala na silang iniisip na iba maliban sa makuha nila ang mga importanterng papeles na gagamitin naman nila upang makapag hanap at matanggap sa mga trabahong nais nilang pasukan. Habang inaantay ko ang TCG ko sa bintana ni Tita Jo, maraming pumunta kay Tito Mar para kunin ang mga clearance nila. Malamang mga Ba Sociology o di kaya'y BA Communication Arts students ang mga ito. Bigla akong nakaramdam ng inggit. Hindi yung inggit na masama, kundi yung simpleng pagnanais na mmakapagtapos na rin. Dapat kasi'y sa isang taon ay makakapagtapos na rin ako, subalit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at dahgil na rin sa katamaran ko (na ngayong kolehiyo lang naman lumabas.putik.wrong timing pa eh), eh kailangan kong mag extend ng isang taon. At dahil hindi pa ako graduate, hindi pa rin ako kabilang sa ikalawang grupo ng estudyante na binanggit ko.

Ang ikatlong grupo ng tao ay ang mga nakapila ngayon sa Office of the University Registrar. Tama. Mga New Freshmen, kadalasay akay-akay pa ng mga magulang nila. Iniinda ang init na dapat na nilang kasanayan kung gusto nilang manatili dito sa Unibersidad. Panahon na nga pala ng early registration na para lamang sa mga bagong tanggap na Isko't Iska. Punuan na naman ang mga dyip na bumabyaheng pataas dahil dinadagsa na naman ng mga bata ang University Health Service upang magpa medical. May mga nakapila na namang magulang sa Admin upang mag bayad ng tumaas ng tuition fee habang ang kani-kanilang anak ay iniwan sa Mcdo o KFC upang hindi pagpawisan. Naalala ko tuloy nung kami ang NF. Mga kabarkada ko lang ang kasa kasama ko noong early registration period. Lahat kasi kami ay taga dito lang din naman. Feeling namin independent na kami kasi kami lang yung mga walang kasamang nanay na nagpupunas ng pawis gamit ang bimpong may nakaburda pang pangalan. Tatlong taon na rin pala ang nakakalipas no? Ang bilis talaga ng panahon. Maluwag kong tinatanggap na hindi na ako freshman at dahil diyan ay hindi ako pwedeng mapabilang sa grupong ito.

Ang ika apat grupo ng tao na makikita ngayon sa kaharian ng siomai at ng butterfly na tinapay ay ang mga taong walang magawa sa buhay. Literal. Huwag na tayong lumayo pa, gagawin ko nang halimbawa ang aking sarili. Hindi ako nag enroll para sa summer classes, wala akong extra curricular activities ngayon, at wala rin naman akong magawa sa bahay. Marahil kaya ako nakapagsulat ng ganitong kahaba (at sana naman ay may kwenta, kahit papaano) ay dahil sa kawalan ng magagawa. Kamote, ang haba na pala ng naitype ko.At dahil diyan, tatapusin ko na to.

Para sa mga nag sa summer, good luck and God Bless. Naway hindi niyo na kailanganing i pre-rog ang subject na kinukuha niyo ngayon next sem. Kayang-kaya niyo yan.

Para sa mga katulad kong dakilang bum, i-justify natin 'to next sem. Itrato nating isang super pahinga ang summer, para pagdating ng bagong sem eh magpapaka haggard na naman tayo sa acads. Pati na rin sa mga inuman at iba pang kabulastugan.

Para naman sa mga nakapagtapos na, conratulations! Itaguyod niyo ang ating pamantasan. Pride kayo, hindi lang ng Unibersida, kundi ng buong Bansa! Mabuhay kayong mga Iskolar para sa Bayan!

At lastly, para sa mga bagong Isko't Iska, huwag niyo kami tularan. Haha. Mas malayo ang nararating ng masisispag kaysa sa matatalinong tamad. Haha.

Monday, May 5, 2008

chopsuey

I wasn't able to attend/hear the five thirty Mass today 'cause I crammed making a sponsorship letter to be given to different organizations here in the land of siomai and butterfly tinapay. Thanks to Sab, my cramming wasn't that bad 'cause all I had to do was copy-paste some text from their letter to the new one I'm making. Anyway, because I'm bored, I've decided to view all of the blogs I've posted in my first (and now, untouched) Multiply site. Kamote lang eh. Puro surveys and petty things. Nakakahiya tuloy. I want to erase each and every puny thing I've written there pero nakakatamad naman. Sayang din, napapatawa naman ako kahit papaano.Parang ngayon, alam kong wala namang gaanong significance ang mga isinusulat ko para sa entry na ito. Wala lang. Gusto ko lang magsulat ng magsulat ng magsulat. O magtype ng magtype ng magtype. Habang may panahon pa. Habang may naiisip pa akong ibahagi. Habang marunong pa akong gumamit ng lapis at papel o di kaya'y gumamit ng keyboard.

Nag-emo ako kagabi. Anong bago dun, matanong niyo? Kasi ganito, naglilinis ako ng kwarto ko (o ayan, bago yan.nagsisispag na 'ko eh) tapos nahulog mula sa isang plastic envelope yung admission letter ko sa Ateneo De Manila University. Ayon, eh sa tuwing nakikita ko yoon eh nanghihinayang ako. Sa totoo kasi, pangarap kong makapag-aral doon. Hindi nga lang ako pinayagan ng nanay ko dahil una, malayo, at pangalawa, mas makakatipid daw kami kung sa State University ako mag-aaral, jackpot, malapit pa. Paano naman, eh noong taon na natanggap ako sa ADMU, ang tuition fee para sa isang taon ay humigit kumulang isang daang libong piso. Hindi pa kasama doon ang lodging fee at siyempre, ang allowance ko. Papayag na sana ang nanay ko ngunit nang malaman niyang ang bayad sa isang dorm na nasa loob ng campus (gusto niya kasi nasa loob lang, protective eh) ay beinte-singko mil para sa isang semestreng pagtuloy doon, eh tuluyan na niyang tinanggal sa listahan ang ADMU para sa unibersidad na papasukan ng kaniyang gwapong anak. Kamote no? Wala akong nagawa kundi ipagpaliban ang pagiging isang Atenista at malugod naman akong pumasok sa UPLB, kahit na ang kursong pinasukan ko ay hindi ko naman talaga gusto. Ibang istorya na lang iyon,ha. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makapag aral sa kaharian ng mga asul na agila. Pansamantala, tatapusin ko muna ang aking tungkulin bilang isang iskolar ng bayan, na iskolar din para naman sa bayan.
Gusto ko na mag- graduate.

Birthday nga pala ngayon ni Mara Paulina Marasigan. Happy Birthday Mara!

Huwag Kang Mangamba

We attended Mass yesterday morning and I was surprised to hear a song from Himig Heswita entitled Huwag Kang Mangamba. I remember catching it for the first time on IBC 13 and it's been, what, like four years ever since that fateful day. Nostalgia lang man. Anyway, I managed to grab the video from the ever reliable YouTube and well, here it is.

I miss watching Himig Heswita and Bukas Palad Videos. Hindi ko matiyempuhan sa IBC13 eh. Thank God for the Internet.