Sunday, September 30, 2007

sa asul na silid..

sa apat na sulok ng asul sa silid, maraming beses narinig ang halakhakan at tawanan.maraming sikreto ang ipinagkatiwala sa iba.marami ding nabunyag.dito sa silid na ito lumabas ang totoong damdamin ng mga tao.dito rin sa silid na ito bumaha ng luha.luha mula sa pagkatuwa, ngunit madalas ay luha mula sa hinagpis ng damdamin.

hindi pa siya ulit nagte-text

busy lang yun,o baka walang load.na mi-miss mo?

sa sobrang pagka-miss ko,yung mga naka-save na lang na messages niya binabasa ko ng paulit-ulit.sa tuwing tutunog yung phone ko,nag e-expect ako na pangalan niya yung makikita ko sa sender nung message.

hay.mahal mo na yan.hindi na biro yan ha.mahal mo na siya.


(hango sa pag-uusap ng magkaibigan sa asul na silid)




No comments: