Sunday, October 19, 2008

Minsan Lang 'to.

Minsanan na lang ako mag post ng entry na Tagalog/Filipino. At yun ang gagawin ko ngayon. Una, dahil nami-miss ko ng mag-type ng Tagalog, at pangalawa, dahil hindi masyadong nagana ang utak ko. Lunod pa sa alak na tinira namin kahapon hanggang kaninang madaling araw.

Eto na, sem-break na. Halos. May tatlong exams na lang ako at makakasigaw na rin ako ng "Goodbye 1st Sem!". Pero dahil masyado akong magaling eh inunahan ko na ang sem break ko. Nag-party na ko agad, kahit marami pang naka pending na gagawin (lab reports, at yun ngang mga exams). At maniwala kayo na nag-party ako.

Birthday ng tatlong walang kwentang tao sa buhay ko kahapon. Si RJ (na pinsan ko), si Eli (kababata ko), at si Allen (kababata ko rin). Benta ang birthday breakfast ni RJ. Agahan pa lang, parang nakapag hapunan na kami sa sobrang daming nakain. Haha. Dimasyadong eventful tong parte ng araw na to kasi maaga pa massyado, saka may laban sila RJ ng basketball kaya umalis din yung mokong kaagad. Hoy RJ, 14 years old ka na. Pwede mo na aminin kina mama at tita na nag-iinom ka na. O gusto mo ako pa magsabi? Haha. Peace, bro.

Sunod kong pinuntahan yung party ni Eli. Kapitbahay lang naman namin kaya pinayagan ako lumabas, saka ka-vibes din ni mama yung mama ni Eli. Haha. Ang akala naming late lunch ay nauwi sa early inuman. Nag labas agad ng Gran Matador brandy yung tatay ni Eli. Naghain din ng sisig, inihaw na tilapia, pusit, at kalderetang kung ano man ay hindi ko alam. Sabi namin, uubusin lang yung isang bote tapos tama na, may party pa kasi si Allen sa gabi, eh ayaw naming pumunta ng wasted na. Malingat-lingat kami, nakaka 6 na bote na kami ng GranMa, at wala pang alas-6 ng gabi yun ha. Sa puntong 'to, masasabi ko na hindi pa talaga ako lasing, malakas lang talaga yung tama. Haha.

Umalis kami kina Eli ng mga 6:15 para maglakad papunta kina Allen. Pagdating namin, pinakain agad kami. The best talaga mag lechong kawali tatay ni Allen. Parang lahat ng parte, malutong! Chicharon! Haha. Pagkatapos kumain, naglabas ng inumin si tito at, surprise, GranMa ulit ito. Haha. Naglabas din siya ng Red Horse. Chaser daw. Amph. Dito na 'ko natakot. Oo, aminado akong malakas akong uminom, pero hindi ko pa kasi nasubukang mag inom ng hard, tapos chaser mo eh beer na malakas din sumipa. Wala ng urungan, minsan lang naman eh. Haha.

Wala na ko masyado matandaan sa puntong yon. Ang alam ko lang, naka ubos pa kami ng 6 na bote pa ng GranMa, at naka 2 bote ng Absolut (Citron). Ang alam ko alng din, ngayon ko lang na experience na halos makatulog na sa upuan sa sobrang kalasingan. Haha. At eto pa, na-experience ko na rin na amging bestfriend ang toilet (Cabugao, 2008) namin dahil sa sobrang kalasingan. Haha. I threw up several times (ininggles ko na kasi ang pangit kapag Tagalog eh). Tinuturing man akong bestfriend ngayon ng toilet bowl namin, ayoko na siyang maging kaibigan. Ang sakit sa lalamunan ang ilang beses mag throw up ha. Haha.

Anyways, masyado kong na enjoy ang Saturday ko. Nakakatawa, na yung mga kababata ko, dati-rati eh naglalaro lang kami ng Lego, o kaya nag roller blades, pero ngayon, mga kainuman ko na. How time flies talaga. Nakakatuwang isipin na nandun pa rin yung samahan, kahit na sa mga ganitong walang sukuan (at sukahan) na inuman na lang kami nagkakasamasama. Haha. Here's to more inuman!

(Ang bobo ng entry ko. Sorry na.)

No comments: