Para sa mga nakaka-kilala sa'kin, alam niyo na siguro na ang title ng blog entry ko ngayon ay hindi para sa buhay pag-ibig ko. Bakit kamo? Eh kasi naman, hindi ako pwedeng malaglag sa kung sinuman dahil laglag na laglag pa rin ako sa kanya. Uy, umamin na rin si Chris. Over na daw o. Asa.
Ang tinutukoy kong pag laglag ngayong umaga ay ang mga grado kong pwedeng makuha sa dalawang exam ko mamayang gabi. Batukan niyo na 'ko ngayon dahil hindi pa rin ako nagsisimulang mag-aral. Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad akong magbukas ng mga syllabus at tiyagaing basahin ang mga kasama sa coverage ng exam. Hindi ko rin maatim na damputin ang scientific calculator ko at sagutan ang mga problems na pwedeng lumabas mamaya sa pagsususlit namin. Siguro kasi na-miss kong magpa petiks petiks. Pero bakit naman ngayon pa, diba? Kung kailan merong exam?! Haha!
Dahil alam kong walang patutunguhan ang pag-aaral ko ngayong umaga, matutulog na lang ako.
Siyempre, biro lang. Maliligo na ako at pupunta sa UPLB Main Library (doon sa may rebulto nung tamaraw na may pakpak na kapag napadikit ka ay pwede ka nang magka tetano) para mag-aral. Or at least mag-try mag-aral.
Babalitaan ko na lang kayo mamaya kung anong kinahinatnan ng mga exams ko.
Maliligo na muna 'ko. Sinong sasama? :)

No comments:
Post a Comment