Sunday, February 1, 2009

Kung Anu-Ano Lang.

O, na-miss niyo na 'ko mag-kwento ng mga walang ka-kwenta-kwentang bagay at mga nangyayari sa buhay ko no? At dahil wala akong magawa ngayon (kahit na dapat talaga ay mag-aaral ako para sa Second Exam sa Bio30 (Genetics) at Bot20 (Plant Physiology) na parehong bukas ng gabi), mag ta type na lang muna ako ng kung anu-ano dito. Pagpasensiyahan niyo na. At sana matuwa rin kayo kahit papaano. Kahit pa FIlipino ang language of choice ko ngayong gabi.

Masarap palang magkaroon ng notebook na pwedeng-pwede mong dalhin kahit saan (kahit sa IC's at Jungle Java, pwedeng-pwede). Yung tipong pwede mong isulat lahat ng light bulb moments (Labadan, 2009), sinister plans, makabagong pick-up lines, at siyempre, mga phone numbers, home addresses, e-mail addresses ng mga chicks na nakakasalamuha mo. Ay pwede rin palang sulatan ng mga thoughts and realizations sa buhay mo, pati mga compositions mo. Ang sarap ng may napag lalabasan ng emosyon. Lalong masarap, kasi 800 pesos siya. Hello, Moleskine.

Masarap palang makabili ng mga bagay na gusto mo lalo na kapag galing sa naipon mong pera. Hindi ko masabing sariling pera ko kasi ito pa rin naman ay nanggagaling sa nanay ko. Haha. Alam kong gets niyo naman 'tong sinsabi ko eh. Huwagna kayong magkunwari pa.

Masarap palang ma-regaluhan ng mahal na headphones, lalo na 'ung mukhang pang-emo. Dapat kasi ako ang bibili nun (gamit pa rin ang naipon kong pera mula sa aking 100-peso-a-day saving scheme) pero nagulat na lang ako noong iuwi ny nanay ko yung Skullcandy Hesh Headphones na gusto ko. Gift daw sa'kin dahil okay ang grades ko sa mga nakalipas kong exams. Naks, parang bata lang eh no. May reward-reward pang nalalaman. Hindi naman ako nagre-reklamo. Mum, sapatos na po sa susunod na reward, ha.

Parang napaka-materialistic ko naman. Marami pa rin namang nakakapag-pasaya sa'kin. Mga batchmates ko sa Bio (uy, kailang ilalabas ang mga grad pics natin? excited na ko makita 'yong creative shot ko na elitista ang theme), mga churchmates ko, mga Cafe Antonio goers (CAntonnites), at mga nakaka-inuman ko paminsan-minsan. Sarap lang eh. Haha.

Masaya din ako siyempre sa mga nangyayari sa acads ko. Akalain mong dalawang exams ko pa lang ang nakakakuha ng medyo mababang grado. At akalain niyong hindi na ako pala-absent ngayon. Pala-tulog na lang sa klase. Joke. Basta, na e-enjoy ko naman ang mga klase ko ngayon. Aba, dapat lang no. Haha. Mahirap lang talagang gumising ng sobrang aga kapag Tuesday-Thursday, ikaw ba naman ang biyayaan ng mga subjects na alas-7 lagi, kung hindi ka ba naman mahirapan eh. Bukod sa feeling ko may insomnia ako, paano ka makakatulog kung napakadaming lab reports at papers na gagawin, mga libro (na walang kinalaman sa acads) na babasahin at porn na papanuorin? Siyempre nagbibiro lang ako sa isang bagay na sinulat ko sa naunang pangungusap. Kayo na ang humusga kung alin doon ang totoong pinagkakapuyatan ko. Haha.

February na nga pala no. Panahon na naman ng pag-iibigan. Mga nag HHWWPSSP (holding hands while walking, pa-sway sway pa), mga nag de date kung saan-saan, at mga nag che-check in sa mga inn! Haha! Magkakaroon kaya ako ng Valentine this year? Abangan. Haha. Feb Fair na rin pala in a couple of weeks. Panigurado busy na naman ang Clan sa mga performances. Sana ma-aral ko na 'yung ibang sayaw para makasama ako sa kahit isang sayaw man lang this Feb Fair. Sana rin bumili kayo ng brownies at ng t-shirts na ibebenta namin sa booth namin ngayong taon. Sana rin matanggap kami ni Noel sa Star in Carillon Season 6. Opo, nagka-topak kami ni Noel at nag audition kami noong Thursday. Pasensya na po, mga feelingerong manganganta lang. Haha. Pero why not naman diba? Malay mo, makita niyo ko sa stage ngayong Feb Fair na hindi lang sayaw ang gagawin. Haha. Bahala na si Lord. Alam naman niya ang gusto ko eh. Haha.

O siya, medyo napapahaba na ang walang kwentang entry na 'to. Pasensiya na kung nasayang ko ang ilang minuto niyo sa pagbabasa ng post na 'to. Haha.

O game, mag-aaral na si Chris.

2 comments:

Anonymous said...

youre entries are funny! =) i feel the same way about my moleskin... i always wanted one pero hello, nung december lang ako nakabili eh ilang taon na ko nagtatrabaho. hehe. cheers!

Chris said...

thanks for the droppin' by! may nagabbasa pa pala nitong blog ko. haha.

pinag-ipunan ko talasga yung moleskine ko eh. haha. hindi talaga ko gumastos para doon.