Gaya ng ipinangako ko, heto't nilahad ko ang mga rason kung bakit hindi na ako naglalaro ng basketball.
- Marahil ay bata pa lang ako eh alam ko na na masama ang "band-wagon" kaya hindi ko na ginustong maging professional basketball player na mistulang pambansang pangarap ng lahat ng ka tropa dudes ko.
- Lahat ng pinsan ko (na mas matatanda sa'kin) ay magagaling mag basketball. Lahat ata sila ay nag MILO sports clinic at mga suki sa mga liga. Dahil nga masyado na silang magagaling, ginusto kong pumili ng ibang sport para naman ako din ay maging bida. Nagtagumpay naman ako dahil sa aming mag-pipinsan ay ako lang ang marunong (uy, humble) mag volleyball, soccer at softball.
- Habang tumatagal ay lalong nalayo ang loob ko sa basketball nung natuklasan ko na marunong pala ko sumayaw. Mas masarap sumayaw habang nagpapa cute ka pa kesa naman nag ba basketball ka at nag ba bad mouth. Haha. Pasintabi sa mga die-hard basketball fanatics and hard core players na maaring makabasa ng lathalang ito.
- Eto na siguro ang pinaka hindi seryosong sagot/rason dito sa listahan na ito. Ayoko kasi ng mga style ng sapatos ng mga basketball players. Haha.
Mababaw itong mga ito, alam ko. Pero ito lang yung mga naisip ko eh, pagpasensiyahan niyo na. Hayaan niyo, kapag may naisip akong malalim na dahilan eh ilalagay ko din dito. Yun ay kung iisipin ko pa ang paglalaro ng basketball. Sa ngayon eh kuntento na ako sa panunuod ng play-offs.
No comments:
Post a Comment