Sunday, July 29, 2007

dalawang bote..

Malamig.

Masarap.

Dalawang characteristics nang isa sa tinuturing kong kaibigan.Ang beer.Oo,beer.Salamat sa sari-sari store slash eatery namin (na hindi ko alam kung may kinikita pa dahil sa mga utang ng mga customer) eh nakakuha ako ng libreng San Mig Light na hindi siyempre alam nang kung sinumang pontio pilato na nagmamanage ng tindahan namin.Kumuha ako ng isang bote at binuksan ito agad.Lumagok, at napagtantong kukulangin ang isang bote para sa ngayong umaga.Ala una y medya na pala.Hindi naman talaga ako manginginom dati.Lately lang ako nagsimulang "malulong" at magpakasasa sa alcohol.Kumuha pa ako ng isang bote at dinala pareho papunta sa aking kwarto,siyempre hindi ko nakalimutang kumupit sa tindahan ng mga kornicks na i-imaginin kong mojos o di kaya'y nachos na isasawsaw ko sa masarap na salsa galing sa Isis Cafe.

Unang bote..

Sa tingin ko, pwedeng pwede si German Moreno sa graveyard shift sa isang call center.Kamusta naman ang ka-aktibuhan niya kahit madaling araw na(time check - 1:38am) plus his shining shimmering clothes na kumitil sa libo-libong buhay nang mga gamu-gamu,salagubang at salaginto.Tama siya sa HSBC dahil ayon sa mga kwento-kwento eh ang mga kasuotan ng tao doon eh "defying norms" daw.Checkered na trench coats.Rainbow-colored shirts and matching pants.Knee-high snake skin boots with 4-inch heels.Samahan mo pa nang roygibv-colored hair.Saan ka pa.


A little history on this new blog site of mine.Hmm.There's nothing special 'bout this shit really.I guess I just need a more private blog.As in konti or ako lang ang makaka-access.I need to blurt out all the freakin' shit that builds up inside my massive self.I told myself to try to be always honest,and I think this blog would really help with me telling, or writing for that matter, what I really feel.


I'm nearly finished with my first bottle of beer and I'm feeling the trickly feeling inside of me.Taena,ambilis ko tamaan.Siguro kasi gutom ako.Excuses oh.Hindi ka naman kasi sanay uminom talaga Chris.Paubos na pala yung mga "chi-cha" na kinupit ko.Ayoko nang bumalik sa tindahan at baga magising ang kontrabida sa buhay ko.

Ikalawang bote..

(I'm pretty much sure that the alcohol is working through me na.)

Bakit ngayong nagkaka-ayos kami ni girl2 eh tsaka pa babalik si girl1?
Hindi ko sinasabing may gusto na ulit sakin si girl1(I have no ways of telling..Assuming???) pero bakit tuwing nagiging masaya ako kay girl2,bumabalik siya.An even bigger question really is why am I still sooooo affected?Shit naman oh Chris.Meron pa ba?O wala na?Baka naman meron pa?Ginagamit mo lang ba si girl2?Tanga,hindi.Hindi ko siya ginagamit.Eh bakit ka ganyan?Bakit ako ang itnatanong mo?Bakit hindi mo diretsahin si girl1?Ang gulo mo kasi eh.Hindi ako ang magulo.Pareho kaming magulo.Tangina naman oh.

Tama yan.Biglang kumanta si Ronnie Liang ng "Ngiti".Hayup.

Aftertaste..

Dalawang bote ng San Mig Light (na nakalagay sa feyvrit kong baso) at 4 na "bawang na bawang" na kornicks (rip-off ata to ng Boy Bawang) na ang naubos ko.Hayup.Wala pang 15 minutes yun ah.Ngayon ko lang nalasahan ulit ang ganito.Mapait ang beer.In english, bitter.Parang ako.

Alam kong kasalanan ko kung bakit hindi ako makakasama sa isang grupong ito,ngunit hindi madaling matanggal sa loob loob ko na mauunahan pa ko nang isang "baby" na makatungtong sa isang mas malaking entablado upang magpasikat sa mga taong miyembro din nang iba pang grupo.Oo na.Ako na ang pabida.Bakit?Kaya nga may mga paligsahan diba.Para magpakitang-gilas.Ang stupid naman pag hindi yun kasama sa reason mo nang pagsali.Sorry, I just don't believe it when people say na they join something just "for the experience".Obviously bitter-borg pa ko.HIndi siguro to madaling maalis.Anyways,I'm really trying hard to show people that I'm okay with what's hapenning,even if I really am not okay with this shit.Haha.Slamat sa pag e-enroll sa mga theater workshops eh nakakaraos din naman ako.Call me plastic pero I think this is much better than blatantly announcing to the entire world na bitter ako sa kanya sabay magmukmok sa tabi with matching paawa effect.I soo don't need drama.

Dighay..

First time kong uminom nang mag-isa.
First time kong uminom nang walang dahilan.
First time kong magpost ng entry dito.

Naway marami pa akong first time na mai-share sa inyo...Kung meron mang bumabasa nito...

Secret lang natin to ha..?

1 comment:

Anonymous said...

[url=http://www.ganar-dinero-ya.com][img]http://www.ganar-dinero-ya.com/ganardinero.jpg[/img][/url]
[b]Necesitas ganar dinero y no sabes que hacer[/b]
Hemos hallado la mejor guia en internet de como ganar dinero internet. Como fue de interes para nosotros, tambien les puede ser de utilidad a ustedes. No son unicamente formas de ganar dinero con su pagina web, hay todo tipo de metodos de ganar dinero en internet...
[b][url=http://www.ganar-dinero-ya.com][img]http://www.ganar-dinero-ya.com/dinero.jpg[/img][/url]Te recomendamos entrar a [url=http://www.ganar-dinero-ya.com/]Ganar-dinero-ya.com[/url][url=http://www.ganar-dinero-ya.com][img]http://www.ganar-dinero-ya.com/dinero.jpg[/img][/url][/b]