Monday, May 5, 2008

chopsuey

I wasn't able to attend/hear the five thirty Mass today 'cause I crammed making a sponsorship letter to be given to different organizations here in the land of siomai and butterfly tinapay. Thanks to Sab, my cramming wasn't that bad 'cause all I had to do was copy-paste some text from their letter to the new one I'm making. Anyway, because I'm bored, I've decided to view all of the blogs I've posted in my first (and now, untouched) Multiply site. Kamote lang eh. Puro surveys and petty things. Nakakahiya tuloy. I want to erase each and every puny thing I've written there pero nakakatamad naman. Sayang din, napapatawa naman ako kahit papaano.Parang ngayon, alam kong wala namang gaanong significance ang mga isinusulat ko para sa entry na ito. Wala lang. Gusto ko lang magsulat ng magsulat ng magsulat. O magtype ng magtype ng magtype. Habang may panahon pa. Habang may naiisip pa akong ibahagi. Habang marunong pa akong gumamit ng lapis at papel o di kaya'y gumamit ng keyboard.

Nag-emo ako kagabi. Anong bago dun, matanong niyo? Kasi ganito, naglilinis ako ng kwarto ko (o ayan, bago yan.nagsisispag na 'ko eh) tapos nahulog mula sa isang plastic envelope yung admission letter ko sa Ateneo De Manila University. Ayon, eh sa tuwing nakikita ko yoon eh nanghihinayang ako. Sa totoo kasi, pangarap kong makapag-aral doon. Hindi nga lang ako pinayagan ng nanay ko dahil una, malayo, at pangalawa, mas makakatipid daw kami kung sa State University ako mag-aaral, jackpot, malapit pa. Paano naman, eh noong taon na natanggap ako sa ADMU, ang tuition fee para sa isang taon ay humigit kumulang isang daang libong piso. Hindi pa kasama doon ang lodging fee at siyempre, ang allowance ko. Papayag na sana ang nanay ko ngunit nang malaman niyang ang bayad sa isang dorm na nasa loob ng campus (gusto niya kasi nasa loob lang, protective eh) ay beinte-singko mil para sa isang semestreng pagtuloy doon, eh tuluyan na niyang tinanggal sa listahan ang ADMU para sa unibersidad na papasukan ng kaniyang gwapong anak. Kamote no? Wala akong nagawa kundi ipagpaliban ang pagiging isang Atenista at malugod naman akong pumasok sa UPLB, kahit na ang kursong pinasukan ko ay hindi ko naman talaga gusto. Ibang istorya na lang iyon,ha. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makapag aral sa kaharian ng mga asul na agila. Pansamantala, tatapusin ko muna ang aking tungkulin bilang isang iskolar ng bayan, na iskolar din para naman sa bayan.
Gusto ko na mag- graduate.

Birthday nga pala ngayon ni Mara Paulina Marasigan. Happy Birthday Mara!

No comments: