May apat uri ng tao slash estudyante ngayon ang palakad-lakad sa kaharian ng siomai at butterfly na tinapay. Napagtanto ko ito kaninang naglalakad ako palabas ng campus dahil nanggaling ako sa CAS building, na mas kilala bilang Hum para sa mga medyo nakakatanda na na mga mag-aaral dito sa Unibersidad.
Ang una ay ang mga estudyanteng nag-enroll para sa summer classes. Noong high school, ang alam ko lang na nag sa summer classes ay 'yung mga hindi pinalad na maigapang ang mga subjects nila. Noong pumasok ako dito sa Unibersidad ay saka ko lang nalaman na hindi pala palaging ganoon ang kaso ng mga nag sa summer. Pwedeng mag summer para maulit ang binagsak na subject, pwede rin para makakuha ng advanced units, at pwede ring dahil gusto mo lang manatili sa dorm/apartment/boarding house kesa naman maiwan ka sa bahay niyo kasama ang mga makukulit na bata at mahirap na intindihing mga matatanda. Kung ano man ang rason eh wala na akong pakialam doon. Hindi ko na dapat pang panghimasukan ang mga bagay-bagay na ganiyan. Sa dalawang nakalipas na summer ay nakapag enroll na ako. Noong una ay inulit ko ang Chem17 at noong huli naman ay nakipaghsapalaran ako sa LTS2. Sa kasalukuyan ay hindi ako kumuha ng kahit anong subject kaya hindi ako pwedeng mapabilang sa unang grupo ng tao na binanggit ko.
Ang ikalawang grupo ng mga tao slash estudyante ay ang mga nakapagtapos na ng pag-aaral, at kasalukuyan ay nakikipagkulitan o di kaya'y nakikipag talo sa mga kani-kanilang college secretaries dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang clearance nila at ang certification of graduation. Wala na silang iniisip na iba maliban sa makuha nila ang mga importanterng papeles na gagamitin naman nila upang makapag hanap at matanggap sa mga trabahong nais nilang pasukan. Habang inaantay ko ang TCG ko sa bintana ni Tita Jo, maraming pumunta kay Tito Mar para kunin ang mga clearance nila. Malamang mga Ba Sociology o di kaya'y BA Communication Arts students ang mga ito. Bigla akong nakaramdam ng inggit. Hindi yung inggit na masama, kundi yung simpleng pagnanais na mmakapagtapos na rin. Dapat kasi'y sa isang taon ay makakapagtapos na rin ako, subalit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at dahgil na rin sa katamaran ko (na ngayong kolehiyo lang naman lumabas.putik.wrong timing pa eh), eh kailangan kong mag extend ng isang taon. At dahil hindi pa ako graduate, hindi pa rin ako kabilang sa ikalawang grupo ng estudyante na binanggit ko.
Ang ikatlong grupo ng tao ay ang mga nakapila ngayon sa Office of the University Registrar. Tama. Mga New Freshmen, kadalasay akay-akay pa ng mga magulang nila. Iniinda ang init na dapat na nilang kasanayan kung gusto nilang manatili dito sa Unibersidad. Panahon na nga pala ng early registration na para lamang sa mga bagong tanggap na Isko't Iska. Punuan na naman ang mga dyip na bumabyaheng pataas dahil dinadagsa na naman ng mga bata ang University Health Service upang magpa medical. May mga nakapila na namang magulang sa Admin upang mag bayad ng tumaas ng tuition fee habang ang kani-kanilang anak ay iniwan sa Mcdo o KFC upang hindi pagpawisan. Naalala ko tuloy nung kami ang NF. Mga kabarkada ko lang ang kasa kasama ko noong early registration period. Lahat kasi kami ay taga dito lang din naman. Feeling namin independent na kami kasi kami lang yung mga walang kasamang nanay na nagpupunas ng pawis gamit ang bimpong may nakaburda pang pangalan. Tatlong taon na rin pala ang nakakalipas no? Ang bilis talaga ng panahon. Maluwag kong tinatanggap na hindi na ako freshman at dahil diyan ay hindi ako pwedeng mapabilang sa grupong ito.
Ang ika apat grupo ng tao na makikita ngayon sa kaharian ng siomai at ng butterfly na tinapay ay ang mga taong walang magawa sa buhay. Literal. Huwag na tayong lumayo pa, gagawin ko nang halimbawa ang aking sarili. Hindi ako nag enroll para sa summer classes, wala akong extra curricular activities ngayon, at wala rin naman akong magawa sa bahay. Marahil kaya ako nakapagsulat ng ganitong kahaba (at sana naman ay may kwenta, kahit papaano) ay dahil sa kawalan ng magagawa. Kamote, ang haba na pala ng naitype ko.At dahil diyan, tatapusin ko na to.
Para sa mga nag sa summer, good luck and God Bless. Naway hindi niyo na kailanganing i pre-rog ang subject na kinukuha niyo ngayon next sem. Kayang-kaya niyo yan.
Para sa mga katulad kong dakilang bum, i-justify natin 'to next sem. Itrato nating isang super pahinga ang summer, para pagdating ng bagong sem eh magpapaka haggard na naman tayo sa acads. Pati na rin sa mga inuman at iba pang kabulastugan.
Para naman sa mga nakapagtapos na, conratulations! Itaguyod niyo ang ating pamantasan. Pride kayo, hindi lang ng Unibersida, kundi ng buong Bansa! Mabuhay kayong mga Iskolar para sa Bayan!
At lastly, para sa mga bagong Isko't Iska, huwag niyo kami tularan. Haha. Mas malayo ang nararating ng masisispag kaysa sa matatalinong tamad. Haha.
No comments:
Post a Comment