(I wrote,err,typed this kaninang madaling araw. I couldn't sleep kaya nagawa ko 'to.)
Sa mga nagtatangkang magbasa, kung naghahanap kayo ng isang substantial at worthwhile read ay baka hindi ito pumasa sa standards niyo. Pagpasensiyahan niyo na dahil ayon sa orasan sa bottom right ng screen ng laptop ko ay 12:48 na ng madaling araw, at medyo sabaw na ang utak ko. Wala na lang talaga akong mapag trip-an kaya minabuti kong magdudutdot na lang sa laptop ko.
Sabi ko na nga ba’t hindi dapat ako nainom ng soft drinks kapag gabi na. For as long as I can remember eh kapag gusto kong magpuyat, soft drinks ang tinitira ko imbis na kape. Ewan ko ba, sadyang kabaligtaran ang epekto sa’kin ng kape. Mas lalo akong dinadapuan ng antok at mas narerelax sa kape, tapos mas nagigising ako sa soft drinks. Alam na siguro yan ng mga nakasama ko sa bahay. Lalo na pag may exam, mistulang inuman session ng RC Cola ang eksena sa pasimano ng apartment namin last sem, sa dami ng bote ng RC na tinitira namin. May makakapagpaliwanag ba sa akin nito? Dahil nasimulan ko na ang entry na ‘to na pumapatungkol sa soft drinks, eh I might as well devote this entry to the ever popular yet laging pinagbabawal (lalo na sa mga bata) na inumin.
Nabasa ko sa librong “You are a Filipino, If you…” (Actually hindi ata yan yung title noong libro, pero parang ganun. Alam kong alam niyo naman yung libro na tinutukoy ko. Basta, yun na ‘yon.) na tayong mga Pinoy lamang ang umiinom ng soft drinks sa paraang nilalagay pa sa plastic. Marahil na device ‘tong way na ‘to nang paginom ng soft drinks dahil wala pa namang soft drinks na available sa lata o kaya sa plastic bottles, o kaya sa tetra pack noong mga panahong na uso ang soft drinks(Err, even today, wala pa naman akong na encounter na soft drinks na nasa tetra pack.). Would you guys consider me weird when I say na trip na trip kong uminom ng soft drinks na nasa plastic? Haha. As a kid, I remember asking my mom for plastic and a straw whenever we have soft drinks sa bahay. As in, kahit sa hapag (that’s kainan for all you English speaking friends of mine) eh nagpaplastic ako at hindi gumagamit ng baso. O ha, Pinoy na Pinoy! Kaya siguro hanggang ngayon eh trip ko pa rin yun. Dahil na rin sa akin eh pati yung relatives naming na lumaki sa USA (mga anak ni Tita Myra) at yung mga nasa Singapore (family ni Ate Wiwa) eh nahawa sa fetish ko. Nagustuhan nila yung concept, to the point na yung mga anak ni Tita Myra eh nagpabili ng plastic na pang soft drinks bago sila bumalik sa Land of Milk and Honey. Anak ng boogie. Pwede na akong maging presidente ng SUSDSP o Samahan ng mga Umiinom ng Soft Drinks Sa Plastic. Ay, corny.
Naalala ko pa noong nabubuhay pa ang lolo ko at sa Bayan pa kami nakatira. Tuwing gabi ay nabili siya nang maliit na bote ng Sarsi (Yung 8 AWNS kung tawagin ng mga nakakatanda) at isinasalin ito sa isang baso saka lalagyan ng sariwang itlog ng manok. Oo, yung hilaw na itlog. Hahaluin niya itong mabuti saka tutunggain. Nakakadiri ba? Sabi kasi niya ay nakakapagpatibay daw iyon ng tuhod at nakakapagpalakas ng resistensiya. Hanggang nayon ay hindi ko ma-gets kung bakit niya ginagawa iyon. I know egg’s a good source of protein, pero bakit kailangan ihalo sa soft drinks, and yes, sabi ni lolo eh sa Sarsi lang pwede iyong ganung “concoction” (Hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin nung word na concoction dati. Anak ng boogie, 4 years old pa lang naman ako noon eh.). Anyways, I tried it once and sabi ko sa lolo ko, “okay naman siya”, sabay suka nung ininom ko. Natural, hindi ko na inulit tikman. Hindi ko na nga maalala ang lasa eh. Malay niyo, matripan ko bigla na i-try ulit, ibo-blog ko dito kung anong nangyari, at vi-video ko pa kung mag to throw up ako. Anak ng boogie, amph.
Ang huli kong alaala na related sa soft drinks ay marahil lahat ng 90’s babies ay makakarelate. Clue, soft drinks na nasa bote at Mentos. Haha! Aminin, kahit na ipinagbabawal ng mga teachers natin noong elementary na masama ang magiging reaction ng soft drinks combined with Mentos eh tuwing recess o lunch break eh ginagawa natin ‘to. Bibili ng soft drinks na nasa bote, preferably Coke o Pepsi (Hindi pa naman masyadong sikat ang Pop Cola at RC Cola noon eh), at huhulugan ng isa o dalawang piraso ng Mentos. Aantayin ang pagbula ng soft drinks at magpapalakpakan pa dahil mga nagfe-feeling na mga scientist na naka-imbento nang kung anong miracle solution. Benta talaga eh. Looking back, ginagawa ata namin ‘to hanggang mga second year high school. Ang cool kaya. Magawa nga ‘to mamaya.
O ayan, yan lang naman ang gusto kong sabihin tungkol sa soft drinks. Napa inom kasi ako ng 12 AWNS (Ayon yan kay Mang Pogs) na Coca-Cola kanina bago ko umuwi galing sa pagdidikit ng mga teasers. Haha. Pasensiya na sa nasulat ko, nagpa antok lang naman ako. Haha.
Ala una y media na. Tapos na ang Games Up Late Live. Tulugan na.
Anak ng boogie.

No comments:
Post a Comment