23 days to go before christmas! At dahil diyan, mag po-post ako ng tagalog entry. Okay okay, alam kong walang koneksyon ang choice of writing slash typing language ko with the yuletide season. Patawarin niyo na ko, ang lamig kasi eh. Oo, wala ding koneksyon yun!
Ramdam na ramdam ko ngayon ang December (unlike last year), siguro dahil na rin mas malamig ngayong taon. Ambilis ng panahon, 11 months ago, December 2006 lang, ngayon December 2007 na. Madaming nabago at nangyari sa labing-isang buwan na nakalipas. Pumayat ako, tumaba ulit, nagpakulay ng buhok, nawala ang kulay ng buhok, nagpakulay ulit, sumayaw sa DL Umali ng tatlo lang kami, nakasayaw sa stage ng Baker Hall na naguumapaw kami sa dami, nakasayaw sa UP Theatre sa Diliman, naka "m.u" si *beep*, napagtantong mahal pa din si *beep* kaya iniwan si *beep*, nakalimutan yung dalawa, nakilala si *beep*, nadevelop sa kanya,minahal siya,pinilit limutin, pero walang nangyari. Ang hindi lang ata nagbago eh malamig pa din ang pasko ko. Hindi malamig na dala ng ginaw, kundi lamig na dala ng pagkukulang sa pagmamahal. Sabi nga sa isang quote na tinext sakin (sorry na, nakalimutan ko kung sino nag send,pero taos puso akong nagpapasalamat sa pagpapa-alala sa akin na nag-iisa ako, leche! joke lang)
"heartbreak does not come from the fact that you're alone whilst everyone has someone to be with, it comes from the fact that despite the billion people living in this world, no one loved you back.."
Okay, next topic.
Napakasama kong bata. Walang kokontra, bata pa ko, nineteen pa lang ako mehn. May ilang buwan pa ko bago tumungtong palabas sa mundo ng pagiging isang tineyjer. Pero pwede kayong mag affirm na masama ako, huwag niyo lang i "in your face" sa akin. Haha. Pero totoo, binalewala ko ang mga payo ng matatanda na huwag sunugin ang baga ko, na huwag gawing dilaw ang atay ko. O gets niyo na? Kung hindi pa, eh di good. Nattandaan ko pa noong medyo bata-bata pa ko't nakanta ng "Laklak" habang gamit ang walis tambo bilang isang gitara.
"nagsimula sa patikim-tikim, pinilit kong gustuhin..bisyo'y nagsimulang lumalim, kaya ngayo'y kayhirap tanggalin.."
Totoo pala lyrics nung kanta, kung sino ka mang nagsulat niyan, buhay ka pa ba?
Totoo yung sinabi ko kay Roy nung isang beses na naglalakad kami papuntang Raymundo gate. Na ngayon lang ako "nagsimulang maging college student". Makalipas ang humigi't kumulang na dalawang taon eh ngayon ko lang naranasan ang mag apartment (natural, malapit lang naman talaga bahay namin sa elbi eh). Ngayon ko lang naranasan ang magising ng puro kagat ng lamok at langgam. Ngayon lang din ako nakaranas ng maubusan ng pera, kumain ng okoy bilang pananghalian, umuwi ng maaga, gumising ng madaling araw, lumabas ng apartment ng mga alas tres ng madaling araw para mag yosi, uminom sa kalagitnaan ng linggo, at kung anu-ano pa. Marahil delinkwente ako para sa iba, pero pagbigyan niyo na ko, tao lang ako. Haha! Kaylangan kong maranasan ang mga ito. Hindi naman pwedeng matapos ang buhay ng tao na wala siyang kinakaing madumi diba? Tsaka, mas marami pang mas masahol pa sa amin. Haha.
Alas tres na pala ng hapon. Lunes na ulit bukas, dalawa lang naman ang klase ko pag Lunes. FIL20 kay Sir Dumlao ng alas diyes ng umaga at HUM2 ky Sir Yambao ng 2:30pm (okay,nahirapan ako itagalog yun). Pagakatapos noon ay pwede na akong mag proven kasama housemates ko, habang inaantay ang calltime ng training sa Baker Hall. Woi, balita ko champion ulit ang UP Diliman's UP Street Dance Club sa Skechers Year 3! Congrats! 3 wins! Grabe kayo, kami naman! Haha!
Wala na akong masabi. Meron pala, kaso natatakot akong pag sinabi ko yun, baka magbago ang lahat ng meron tayo (kung anumang meron tayo, hindi ko din alam).